Linggo, Hulyo 24, 2011

Ang Aking Pamilya

            Ako ay lumaki sa pamilya na simpleng maayos at masaya.Pamilyang binubuo ng 8 katao kabalin na ako.Pamilyang baliwala ang karangyaan basta nakakain ng sapat at mabubuti ang kalusugan. At laging sama sama sa bawat bagay kahit na minsan nagkakaroon ng tampuhan pero namin ito pinatatagal kung maari lang sana na walang magkagalit.

           Sila ang aqking magulang na mabait ,laging masaya athindi ganun madalas mag away.Ang nanay ko ang higit kong kakampi kaysa sa aking tatay.

          Siya si Arlene ang panganay saming magkakapatid,pamilyado na at may apat na anak.Siya ay nagkapag aral lamang hanggang high school dahil sa kakulangan ng pera noon.Mabait siya kung minsan at laging wais pagdating sa pera.
                si Amy ang sumunod sa aming panganaay isa sya sa may midyo masamang ugali sa amin,hin di mapagbigay,matampuhin at laging nasusunud ang gusto.Nagtanan dahil sa ayaw ng aming magulang na payagang magpakasal dahil sa hirap din naman ang lalaki sa buhay.May asawa at tatlong anak.
        Siya si Oscar ang pangatlo sa aming magkakapati.Siya rin ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil hindi pagiging seryoso sa pag-aaral at laging nag gagala.Pero sya ang higit na nakakatulong sa aming magulang.Mabait pero ayaw ng ng niloloko, masarap kasama at laging nanglilibre ng pagkain.
         Si Liza ang sinundan ko. Kapatid ko na hindi natiis ang bugso ng damdamin at nagtanan din pero wala pa din anak.Sya ay maramot at mabilis magtampo pero kahit na ganun sya ,sya ang pinakamahal ko saming magkakapatid dahil sa lagi nya akong tinutulangan binibiro at kasama kung saan man sya magpunta maliban lang noon nagtrabaho na sya.

         Siya ang bunso kong kapatid na lagi kong inaasar at kaawa dahil sa pagiging sutil ko at sa pagiging pikunin niya.Pero yan ang masipag kong kapatid na utosan ko.Sya ngayon ay nasa second year high school labing apat na tao.
            ito ang pamilya ko na kahit magkakaiba kami ng ugali kami pa rin ay sama sama at meron magagandang relasyon sa isa't isa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento